Bagong Municipal Hall ng San Andres, inagurahan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

The new look of San Andres Municipal Hall. Photo by Jabez GadonThe new look of San Andres Municipal Hall. Photo by Jabez Gadon

Inagurahan na nitong nakaraang Miyerkules, November 30, ang bagong tayong municipal hall ng bayan ng San Andres, Romblon.

Panauhing pandangal sa pagpapasinaya ng bagong municipal hall si Romblon Congressman Emmanuel Madrona na nagbigay rin ng maikling mensaha sa mga residente ng bayan na sumaksi sa nasabing event.

Sa maikling programa, nagtanghal ang ilang grupo sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Nagpasalamat naman si San Andres Mayor Fernand Rovillos sa mga tumulong para mapatayo ang nasabing munisipyo. Nagpasalamat rin ito kay sa dating Congressman ng lalawigan na si Eleandro Madrona dahil sa suporta nito.