Dating bise alkalde ng San Agustin, naaksidente sa bayan ng San Andres

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: FB/Miles FabulaPhoto Courtesy: FB/Miles Fabula

Ligtas at nagtamo lamang ng kunting galos ang dating bise alkalde ng bayan ng San Agustin na si William Tan matapos itong maaksidente kaninang hapon sa bayan ng San Andres.

Ayon kay Senior Police Inspector Chisi Faderogao, binabaybay umano ni Tan ang national road umano ng Barangay Mabini ng bayan ng San Andres dala ang kanyang kulay pula na Isuzu Sportivo ng bigla umanong may tumawid na bata. Iniwasan niya umano ito at dito na siya sumalpok sa isang concrete post sa gilid ng kalsada.

Minor damage lang naman umano ang natamo ng sasakyan ni Tan.

Paalala ng Philippine National Police, maging maingat lagi kapag tumatawid ng mga kalsada lalo na kung National road ito dahil sa posibilidad na mabibilis ang mga sasakyan na dumadaan dito.