Isang mangingisda sa San Agustin, nawawala simula pa nitong Martes

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey Tapao, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, San Agustin Municipl Police Station at ilang mga kasamang mangingisda si  Ruben Mazo, 52 taong gulang, at residente ng Barangay Sugod, San Agustin, Romblon.

Ayon sa ilang mga residente ng Barangay Sugod, si Mazo ay pinaghahanap simula pa nitong Martes matapos matagpuan ang ginamit na bangkang pampalaot sa bayan ng Santa Mari nitong Martes ng gabi.

Humihingi naman ng tulong ang mga kamag-anak ni Mazo na kung may makakita sa kanya ay maaring makipag-ugnayan sa 0918649885.

Maari rin kayong tumawag o magtext sa Romblon News sa 09277231871 o mag-pm sa aming mga social media accounts.