Mga dadayo sa Biniray Festival sa Romblon; dagsa sa San Agustin Port

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Nagsimula ng dumagsa sa San Agustin Port sa Tablas Island ang mga pasaherong patungo ng Romblon, Romblon ngayong araw para dumalo sa pagsisimula ng #BinirayFestival2017 ngayong araw ng Biyernes, January 13.

Sa haba ng pila sa ticketing booth ng nag-iisang barko na bumabiyahe ng San Agustin - Romblon, umabot na hanggang kalsada ang pila kahit alas-2 palang ng umaga. Halos puno na rin ng tao ang loob ng pantalan.

Inaasahang aalis ang barko alas-4 ng umaga ngayon.

Tuloy naman ang biyahe ng mga pumpboat na biyaheng San Agustin - Romblon ngayong araw. Ayon sa mga bangkero, alas-8 ng umaga ang alis ng regular trip ng mga pumpboat.