Photo Courtesy: Facebook/Uswag San Agustin
Binisita nitong Sabado, September 10, ng grupo ni Mayor Denon Madrona ang isa sa mga tourist attraction sa bayan ng San Agustin na kilala sa tawag na Cotta o Fort Payong-Payong.
Gusto umano ng local government unit ng San Agustin na i-restore ang historical tourism landmark na ito na itinayo pa noong Spanish time na matatagpuan sa Payong-Payong Hill sa Barangay Cagboaya.
Ang mga natirang limestone walls na makikita pa sa lugar ay saksi umano sa napakayamang nakaraan ng bayan ng San Agustin.



