3,927 bilang ng bata nakatanggap ng libreng pampurga sa San Agustin

Written by Jackey Tapao | Romblon News

Umabot ng halos apat na libo ang mga mag-aaral ng elementarya sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island ang nabigyan ng Department of Health ng libreng gamot pampurga kahapon, July 29, batay sa taya ng Rural Health Unit ng bayan.

Ang pagbibigay ng mga libreng gamot pampurga ay bahagi ng kampanya ng Department of Health laban sa mga bulate.

Naging matagumpay ang isinagawang deworming sa mga estudyante sa tulong ng mga chikiting, mga guro, Barangay Health Workers, School nurses, at ng mga staffs ng Rural Health Unit ng San Agustin.