PDEA Romblon, hinihikayat ang publiko na makiisa sa laban kontra droga

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Hinihikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency Romblon ang publiko na makiisa sa programa nila laban sa iligal na droga.

Nitong Miyerkules, nag-ikot sa bayan ng Romblon ang mga tauhan ng PDEA Romblon upang maglatag ng mga tarpulins ng programa nilang 'Isumbong Mo Kay Wilkins' kung saan hinihikayat nila ang publiko na may kilalang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga na magsumbong sa kanilang opisina.

Mahalaga umano ang pakikiisa ng kumunidad para masawata ang laban sa droga gobyerno.

Maaring tumawag, mag test o di kaya ay pumunta sa Isumbong Mo Kay Wilkins Official Facebook ang mga may gustong isumbong at sinisiguro ng PDEA Romblon na mananatiling pribado ang impormasyong kanilang makukuha.