
Nakapagtala muli ngayong araw ang bayan ng Romblon, Romblon ng panibagong kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Ayon sa PESU, sa 12 na dumating na test result, 5 rito ay kumpirmadong positive.
Dahil dito, umakyat na sa 88 ang naitalang kaso sa probinsya kung saan 67 ang gumaling na at 2 naman ang nasawi.
Sa active case, ang Romblon ay mayroon ng 12 na kaso, habang isa naman ang sa Looc at sa Alcantara.
Muling pinapaalala ng mga otoridad na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols ng Department of Health katulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks at face shield sa tuwing lalabas, at pagkakaroon ng social distancing sa iba.



