3 bagong Covid-19 case sa Romblon, naitala

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tatlo ang naitalang nadagdag sa listahan ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa probinsya ng Romblon ngayong Lunes, huling araw ng Nobyembre.

Batay sa report ng provincial epidemiology surveillance unit (PESU), ang tatlo kabilang ang 2 frontliner, ay ang mga close contact ng mga naunang Covid-19 case sa bayan ng Romblon, Romblon.

Dahil sa karagdagang mga kaso, umakyat na sa 36 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya.

Sa pangkahalatan, aabot na sa 77 ang total case ng Covid-19 sa probinsya kung saan 40 rito ay gumaling na at 1 naman ang nasawi.

Sa ngayon nagsasagawa na ng contact tracing sa bayan para matukoy ang kanila namang mga close contacts.

Naka-quarantine na sila ngayon.