
Sinimulan ng ipatupad ng Philippine Ports Authority sa Romblon ang pagkakaroon ng face shields ng mga pasahero ng bangka at barko na biyaheng Romblon, Romblon.
Ito ang inanunsyo ni Sangguniang Panlalawigan member Bing Solis nitong Huwebes sa kanyang Facebook page.
Paalala ni SP Solis, ang mga pasahero ay kailangan may face shields at masks bago sila papayagang pasakayin ng pumpboat at barko.
Matatandaang ipinagutos ni Vice Admiral Narciso Vingson Jr. sa Maritime Industry Authority (Marina), Philippine Ports Authority, at sa Philippine Coast Guard na magpatupad ng “No-Face-Shield, No-RIde” policy.
May parehong kautusan rin na inilabas ang Department of Transportation kung saan ang publiko ay kailangang naka face shields at face masks bago sumakay ng mga pampublikong sasakyan kagaya ng jeep, bus, at mga tricycle.



