Photo Courtesy: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) - Romblon
Isang fish vendor ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) - Romblon kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Romblon PPO sa bayan ng Romblon, Romblon nitong Martes ng umaga dahil umano sa iligal na marijuana.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Christian Jay Manasan, 22-anyos.
Ayon sa report ng kapulisan, nabilhan di umano ng dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana ng isang nagpanggap na buyer mula sa PDEA sa halagang P1,000 si Manasan. Agad na inaresto ang suspek matapos di umanong magkabayaran.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasama rin sa operasyon mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, at PNP Maritime Group.
Walang pahayag ang suspek.



