New Romblon Representative takes oath

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Noel Joseph MachonPhoto Courtesy: Noel Joseph Machon

Umupo na ngayong araw, June 30, bilang bagong Representative ng Romblon si Atty. Eleandro 'Budoy' Madrona.

Pormal siyang nanumpa sa Romblon Public Plaza sa harap ng kanyang kapatid at papalitan sa pwesto na si Congressman Emmanuel Madrona.

Dinaluhan ang inauguration at oath taking ceremony ng mga kaanak at taga-suporta ni Madrona.

Sa talumpati ni Madrona, nagpasalamat siya sa publiko na sumuporta sa kanya noong eleksyon ganun at nangako na masbibigyan ng halaga ang pagpapaunlad ng probinsya sa tulong ng bagong upong Gobernador na si Jose Riano.