Fastcat, biyaheng Batangas-Marinduque-Romblon na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inanunsyo ng Archipelago Philippine Ferries Corporation (APFC) na magkakaroon na ng biyahe ng Fastcat patungong Romblon, Romblon.

Ayon sa brochure Fastcat na inilabas ng kompanya, magmumula ang barko sa Batangas patungong Marinduque at huling destinasyon ang Romblon.

Pabalik naman ay Romblon, dadaan ng Marinduque bago tumuloy ng Batangas.

Kasama ang ruta ng Romblon sa limang bagong ruta ng Fastcat ngayong 2019.

Hindi pa inaanunyo kung kelan ang eksaktong simula ng biyahe ng Fastcat sa Romblon, Romblon.