Gard Montojo at Telesforo Gaan naghain rin ng kandidatura sa pagka-Gobernador

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 16 October 2015

Dalawang independent candidate ang naghain pa ng kandidatura sa pagka-Gobernador sa Commission on Election Provincial Office sa bayan ng Romblon.

Naghain kahapon ng umaga, October 15, si Telesforo 'Paul' Gaan para sa nasabing posisyon.

Ngayong hapon naman naghain rin nang certificate of candidacy si incumbent Mayor Gard Montojo kasama ang kanyang may-bahay sa nasabing opisina.

Kasama rin na tumungo ng Office of the Provincial Election Supervisor ang ilang mga taga-suporta ni Mayor Montojo.

Sa pagdagdag nina Montojo at Gaan, tatlo na ang mga maglalaban-laban sa pagka-Gobernador ng probinsya kasama na rito si incumbent Governor Eduardo Firmalo.