Madrona, Firmalo at Riano, opisyal nang naghain ng kanilang COC

Written by Lyle Gepe Formilleza | Romblon News

by Lyle Formilleza, Romblon News | Wednesday, 14 October 2015

Photo Courtesy: Dennis Manzo/Philippine Information Agency MIMAROPA

Opisyal nang naghain ng kandidatura ang mga pambato ng LP-NP o BuLongTik Coalition ngayong araw sa Provincial Office ng Commission on Election sa Romblon, Romblon ngayong umaga.

Bago magtungo ang grupo nina incumbent San Agustin Mayor Emmanuel Madrona na tatakbong Congressman, incumbent Governor Eduardo Firmalo at incumbent Vice Governor Otik Riano na tatakbo sa dating posisyon sa opisina ng COMELEC, dumaan muna sila ng Cathedral ng Simbahan ng Katoliko sa nasabing bayan upang magsimba.

Kasama naman ng grupo ang kanilang pambato para sa Sanguniang Panlalawigan na sina Sam Romero, Abner Perez, Jun Bernardo, Armand Gutierrez, Dong-Dong Ylagan, Boy Maravilla, Fred Dorado t Andrew Fondevilla.

Todo naman ang suporta sa partido ang mga kapitan ng bayan ng Odiongan at San Agustin na tumungo pa ng kapitolyo upang magpahayag ng pagsuporta sa tatlo.