Director PCSupt. Licup, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng bagong Romblon PPO Building

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: PO2 Ferdie Vibo, Romblon Police Provincial OfficePhoto Courtesy: PO2 Ferdie Vibo, Romblon Police Provincial Office

Pinangunahan ngayong araw ni Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, Director ng Police Regional Office MIMAROPA, ang isinagawang groundbreaking ceremony ng itatayong Standard Police Provincial Office Building ng Romblon Police Provincial Office sa bayan ng Romblon, Romblon.

Ang 3-storey building ang nilaanan ng budget na P10,487,034.31 mula sa General Appropriations Act ng 2018.

Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto ng Twin Dragon Construction sa loob ng 360 calendar days.

Dumalo rin sa nasabing groundbreaking ceremony sina Romblon Vice Governor Otik Riano, Romblon Mayor Marinao Mateo, at Police Senior Supt. Leo Quevedo ng Romblon Police Provincial Office.

Ayon sa Romblon Police Provincial Office, ang nasabing bagong building ay malaking bagay para sa mga kapulisan ng Romblon na patuloy na ginagawa ang kanilang trabaho para protektahan ang mga mamayan rito.