National Road sa Barangay Lonos, Romblon; nagka-landslide

Written by Mikko Molino | Romblon News

Pansamantalang hindi nakadaan ang mga motorista sa Romblon, Romblon matapos humarang sa kalsada na bahagi ng National Road sa Sitio Babangtan, Barangay Lonos, Romblon, Romblon ang mga lupa at kahoy sanhi ng landslide sa lugar.

Nangyari ang pagguho pasado alas-9 kaninang umaga kasunod ng walang tigil na ulan simula pa kagabi dala ng bagyong Urduja sa probinsya ng Romblon.

Wala namang nasaktan sa nasabing landslide.

Sa ngayon, light vehicles muna ang nakakadaan sa lugar dahil sa mga nakaharang na lupa. Patuloy ang isinasagawang paglilinis sa lugar.