Sunog, sumiklab sa Romblon, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang sunog ang sumiklab sa isang two-storey residential building sa Barangay II, Romblon, Romblon bandang alas-6 ng gabi nitong November 27.

Napansin umano ng isang Arva May Manzalay na may lumalabas na usok galing sa 2nd floor ng bahay na pagmamay-ari ni Richard Lim, 54, kaya tumawag agad siya ng tulong sa Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Romblon Municipal Police Station.

Napag-alaman na overload outlet na nasa kwarto ng may-ari ang pinagmulan ng nasabing sunog.

Bandang alas-6:20 ng gabi idineklara ng Bureau of Fire Protection na fire-out na ang nasabing sunog.

Wala namang nasaktan sa nasabing ngunit umabot ng P20,000 ang nasirang gamit sa sunog ayon sa Bureau of Fire Protection.