Dahil umano sa paninirang puri, babae sa Romblon; arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang babae sa bayan ng Romblon, Romblon ang inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station dahil sa isang warrant of arrest sa kasong Grave Oral Defamation o Paninirang Puri.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sarah Millares Ferrer, 53-taong gulang, residente ng Barangay IV-Poblacion, Romblon, Romblon.

Ayon kay Police Senior Inspector Gemie Mallen, OIC ng Romblon Municipal Police Station, naaresto ang suspek nitong September 25 bandang alas-4 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ni Hon. Judge Cirile M Foja, Acting Presiding Judge ng MCTC Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon noong September 18.

Laya na ang suspek matapos na makapag-piyansa ng P6,000.

{googleads center}