
Isang mangingisda sa bayan ng Romblon, Romblon ang patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Romblon, Romblon matapos na mawala ng ito ay pumalot kaninang alas-3 ng madaling araw.
Kinilala ng MDRRO ang mangingisda na si Samson Mingo, residente ng Barangay Logbon.
Ayon sa report, sakay umano si Mingo ng kanyang bangka na may pangalang 'Super Sam'.
Hindi na umano siya bumalik pagsikat ng araw kaya nagsumbong na agad ang kanyang pamilya sa awtoridad.
{googleads center}Ibinigay naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Romblon, Romblon ang kanilang hotline (09983409500) para sa mga report kung sakaling may makakita sa mangingisda.
May kalakasan ang nararanasang alon sa karagatang sakop ng Romblon simula pa nitong mga nakaraang araw dahil sa malakas na hanging habagat.



