Boat captain at crew ng M/B Alad Express 2, sinampahan ng kaso

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang boat captain at mga crew ng lumubog na M/B Alad Express 2 nitong Biyernes.

Yan ang pahayag ni Romblon deputy police chief Sr. Inspector Ledilyn Ambonan ng makapanayam ng pahayagang Inquirer nitong Sabado.

Kinilala ng Regional Police Office MIMAROPA ang mga crew na sina Romano Montojo, Herbert Alcantara, at Rickey Mariveles, habang ang boat captain naman ay si  Napthalie Molina.

Ang paglubog ng M/B Alad Express ay kumitil sa 7 buhay habang ang 2 sa mga pasahero ay patuloy na pinaghahanap.