P20,000, pabuya ni Mayor Mateo sa mga makakapagtuturo ng pusher sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Credit: Photo of Mayor Mariano Mateo was grabbed from his Facebook public profile as of this posting.Photo Credit: Photo of Mayor Mariano Mateo was grabbed from his Facebook public profile as of this posting.

P20,000 ang halaga ng pabuyang ipagkakaloob ni Mayor Mariano Mateo sa mga indibidwal na makakapagtuturo ng mga pusher sa kanilang bayan sa Romblon, Romblon.

Sa report ni Dennis Manzo ng Philippine Information Agency, sinabi rito na makukuha lamang ang P20,000 kung nagpositibo ang itinurong pusher sa operasyon na isasagawa ng Philippine National Police.

Batay sa pinakahuling taya kahapon ng Romblon Provincial Police Office, aabot na sa 94 katao sa buong bayan ng Romblon, Romblon ang sumuko magmula nitong July 01.

Ito ang bayan na may pinakamaraming sumuko sa probinsya.