Kabilaang earthquake drill isinagawa sa Romblon kahapon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos with reports from Jackey Tapao, RomblonNews | Friday, July 24, 2015

 

Isinagawang Earthquake Drill sa bayan ng San Agustin kahapon. | Photo: Jackey Tapao, Romblon News

Pinangunahan ng mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management Council ang isinagawang Simultaneous Earthquake Drill sa iba't ibang bayan sa probinsya ngayong araw.

Sa bayan ng Romblon, isinagawa ang drill sa Sawang Campus ng Romblon State University na dinaluhan naman ng mga miyembro ng Provincial Composite Quick Response Team na binubuo ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Rural Health Unit, Army Reservists, at ng Philippine Red Cross.

Nakiisa ang mga estudyante ng Unibersidad kasama ang mga guro para sa nasabing drill. Ilang estudyante naman ang nagkunyari na nasugatan at kailangang iligtas ng mga rescuers.

Sa bayan naman ng San Agustin, nagsagawa na rin ng Earthquake Drill sa San Agustin Municipal Police Station ang mga kapulisan.

Kasabay nito, nagsagawa din ng drill sa San Agustin Central Elementary School sa Barangay Dubduban kahapon ng hapon na pinamunuan ng MDRRMC katuwang ang DepEd na may temang "Pamilya at Pamayanang Handa, Katuwang sa Pagunlad ng bansa".

Ang isinagwang Earthquake Drill ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month.