Ulan, Brownout naranasan sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015

Nakarahas ng biglaang buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat ang bayan ng Odiongan at karatig bayan sa Tablas Island ngayong gabi.

May naranasan ring malakas na hangin kasabay ng buhos na ulan na nagresulta naman ng line fault na naging dahilan ng brownout sa malaking bahagi ng Tablas Island.

Ayon sa pumunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, ang tatlong beses na brownout na naranasan ay resulta ng line faults.

Naibalik naman agad ang kuryente sa mga naapektuhang lugar.