Brgy. Budiong and Canduyong to experience power interruption from April 22 to May 14

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 22 April 2016

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na makakaranas ng power interruption ang dalawang barangay sa bayan ng Odiongan mula ngayong araw, April 22 hanggang May 14.

Ito ay ang mga barangay ng Budiong at Canduyong.

Ayon sa TIELCO, ito ay dahil sa isasagawang pag-upgrade ng mga linya ng kuryente sa mga nasabing barangay upang mabigyan ng daan ang pagsasagawa ng primary lines patungo sa bagong tayong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources located in Sitio Gahak, Barangay Canduyong.

Sa araw ng Lunes hanggang Biyernes, magsisimula ang brownout ng 8:15AM hanggang 4:45PM at hanggang 11:45AM naman tuwing Sabado.