Mga bagong kurso, ihahandog ng Romblon State University sa susunod na taon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 16 July 2015 | UPDATED: August 13, 2015

Madadagdagan na ang mga kursong ihahandog ng Romblon State University (RSU) para sa mga mag-aaral nito sa susunod na taon, ito ay sa isa sa mga opisyal ng Universidad ng makausap ng Romblon News.

Ayon sa source, ibabalik na ng pamunuan ang kursong Bachelor of Science in Forestry at magkakaroon na ng Bachelor of Science in Environmental Science sa taong 2016 bilang pilot courses ng RSU Agpudlos Campus sa bayan ng San Andres sa Tablas Island.

Kinomperma rin ang balita ni Dr. Annulfo De Luna sa balita ng Philippine Information Agency nitong Agosto.

Ayon ky Dr. De Luna, "The university is pushing aggressively to implement integrated agricultural development on integrated farming in the area to maximize production and answer the call for a self-reliant community."

Dagdag pa ng pamunuan ng RSU, naglaan rin sila ng P750,000.00 para sa pagpapatayo ng impounding dam at pagsasaayos sa mga concrete pavement ng campus. P27,887,000.00 naman ang inilaan para sa road network, cottage at paggawa ng apat na dalawang palapag na building na magsisilbing classroom ng mga mag-aaral roon.

Dagdag pa ng source, napapanahon nang payagan ng Commision on Higher Education ang mga bagong kurso dahil kompleto naman ang Romblon ng mga lugar para magkaroon ng pagsasanay ang mga estudyante katulad nalang ng dagat at kabundukan.