Ilang bahagi ng kagubatan sa Barangay Anahao, nasunog

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 10 April 2016

Halos 7 oras na nasunog ang ilang bahagi ng kagubatan sa Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan

Ayon sa mga residente ng Barangay Anahao, pasado alas-12 umano nang tanhali nang magsimula ang apoy at gabi na nang tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection Odiongan.

Sa initial na impormasyon na nakuha ng RNN, halos 3-hectares na lupa ang nasunog dahils sa apoy.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection Odiongan kung ano ang maaring pinagmulan ng apoy.