367 na bata makikinabang sa ipapamigay na food packs ng Odiongan LGU

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Odiongan Public Information OfficePhoto Courtesy: Odiongan Public Information Office

Aabot sa 367 na mga batang tatlong gulang pataas na may kapansanan at kulang sa timbang ang inaasahang makikinabang sa ipapamahaging food packs ng Odiongan Municipal Nutrition Action Office sa 25 barangays sa Odiongan sa mga susunod na mga araw.

Ito ay maisasakatuparan sa tulong ng Nestle at Okada Foundation na naging sponsor ng Odiongan MNAO sa pamamagitan ng inisyatibo ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic.

Laman ng food pack ang mga gatas, tinapay, at iba pang pagkain para sa mga bata.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang pag-repack sa mga pagkain sa Odiongan Public Plaza.