by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 11 July 2015

Isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang driver ng isang ambulansya at isang criminology student na driver ng isang motorsiklo matapos magkasalpukan, Huwebes ng hapon sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.
Nawasak ang unahang bahagi ng motorsiklo at ambulansya sa lakas ng salpukan.
Ayon kay Ken Tapat na saksi sa nasabing aksidente, agad na naisugod ang driver ng motorsiklo sa Hospital dahil sa natamo nitong sugat.
Isinugod rin kalaunan ang driver ng Ambulansya matapos na manginig dahil siguro sa kinasangkutan aksidente, dagdag pa ni Tapat.
Ligtas na rin sa ngayon ang dalawang driver.



