2 Naglalaro ng ML sa labas ng bahay sa Odiongan kahit may ECQ, dinampot ng mga Pulis

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (MPS) ang dalawang kalalakihan na naabutan ng mga pulis na naglalaro ng mobile legends sa gilid ng kalsada malapit sa isang saradong hardware kahit may ipinatutupad enhanced community quarantine sa bayan.

Ayon sa spot report ng Odiongan MPS, nagiikot sa bayan ng Odiongan si mismong Police Captain Manuel Fernandez Jr. nang makita ang dalawa na magkatabing naglalaro ng mobile legends.

Walang suot na facemasks ang dalawa, at wala ring maipakitang quarantine pass ng hanapan ni Captain Ferandez.

Sinabihan umano ni Captain Fernandez ang dalawa na umuwi na ngunit hindi sila sumunod kaya inaresto sila at dinala sa police station para imbestigahan.

Ang dalawa ay sasamapahan ng kasong paglabag sa Section 151 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.