by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 10 July 2015

Halos tatlong (3) oras nakaranas ng brownout ang mga bayan sa Tablas Island, Romblon ngayong gabi kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa Odiongan at ilan pang karatig bayan.
Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO), nahirapan sila maibalik agad ang kuryente dahil hindi nila mapuntahan ang mga sirang linya dahil sa malakas na hangin at ulan na nararanasan sa Isla dala ng hanging habagat na pinalakas pa ng mga bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsiblity.
Muling paalala naman ng TIELCO, asahan na ang brownout sa tuwing may nararanasang malakas na hangin dahil nagiging resulta ito ng line faults.



