LBC suspends delivery service in Odiongan and Romblon due to Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kasunod ng kabilaang community quarantine na ipinatutupad sa mga kalapit na probinsya ng Oriental Mindoro at Batangas, pansamantala munang itinigil ng LBC Express ang kanilang delivery operation sa bayan ng Odiongan at Romblon, Romblon.

Ayon sa Facebook post ng LBC Express, kabilang sa mga suspendido ang delivery operation ay ang branches sa Calapan, Puerto Galera at Pinamalayan sa Oriental Mindoro, at Roxas, at San Jose sa Occidental Mindoro.

Hindi pa malinaw kung kailang muling magbabalik ang operasyon ng nasabing delivery service.