RSU is preparing to offer BS Nursing course

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Posibleng sa susunod na pasukan o sa susunod na taon ay magkakaroon na ng kursong Bachelor of Science in Nursing (BSN) sa Romblon State University, ito ay ayon kay RSU President Arnulfo de Luna.

Sa ginanap na MOA signing kasama ang Department of Trade and Industry-Romblon para sa dalawang proyekto sa Odiongan at Santa Maria noong nakaraang buwan, nabanggit ni President de Luna ang plano ng pamantasan.

Aniya, bumuo na siya ng grupo na mag aasikaso sa mga requirements ng Commission on Higher Education (CHED) para sa nasabing kurso.

Kung magkataon, ang Romblon State University ang kauna-unahan sa lalawigan na magkakaroon ng nasabing kurso.