Engr. Amir Ampao is new TESDA-Romblon Director

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Pinakilala na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - Romblon ang kanilang bagong provincial director sa katauhan ni Engr. Amir Masukat Ampao.

Si Engr. Ampao ay nagmula pa sa TESDA-Rizal bago ilipat sa lalawigan.

Sinalubong ang bagong provincial director noong ika-19 ng Pebrero ng mga kawani ng TESDA-Romblon, at kanilang mga partner-schools.