
Aabot sa 31 na person with disability (PWD) sa bayan ng Odiongan ang nabigyan kamakailan ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) - Mimaropa. Pinangunahan ni Bb. Maricel Dela Vega-Urdas, SWO II - PWD Regional, DSWD-MIMAROPA ang pagbibigay ng tulong pinansyal.
Ayon kay Mae April Joy Agaloos, hepe ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Odiongan, nagkakahalaga ng P5,000 ang naibigay na tulong sa mga 31 na person with disability.
Malaking bagay umano ito para may magamit ang mga nabigyang PWDs pambili ng kanilang mga gamot.
Nagpapasalamat naman ang mga pinalad na PWDs sa opisina ng Department of Social Welfare and Development - Mimaropa, Municipal Social Welfare and Development Office ng Odiongan, at sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Odiongan, sa pagtutulungan para sa ganitong mga programa.



