Lalaki sa Odiongan, arestado sa operasyon kontra droga ng pulisya

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTOFILE PHOTO

Sa kulungan ang diretso ng isang lalaki sa Odiongan, Romblon matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station noong hatinggabi ng February 9.

Kinilala ang suspek na si Dexter Reyes, 26 anyos.

Ayon sa spot report mula sa Odiongan Municipal Police Station, ikinasa nila ang operasyon sa Barangay Tabin-Dagat kung saan nabilhan di umano nila ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang suspek sa halagang P500.

Matapos magkaabutan, agad umano nilang inaresto ang suspek na nakuhaan rin di umano ng dalawang sachet pa ng pinaghihinalaang shabu.

Tinatayang halos 0.5 grams ang bigat ng nakuha sa suspek o nagkakahalaga ng halos P3,000 lahat.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2202.

Samantala, itinanggi ng suspek ang paratang na di umanoy nagbebenta siya ng iligal na droga.

Sinabi naman ng pulisya na ang suspek ay dati ng sumuko sa oplan tokhang kapulisan.