Philippine Science High School in Romblon to start operating this year

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Opisyal nang magbubukas ang Philippine Science High School - Mimaropa Region Campus (PSHS-MRC) na matatagpuan sa Barangay Rizal, Odiongan, Romblon ngayong taong 2016, ayon sa facebook page ni Governor Eduardo Firmalo.

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng PSHS-MRC sa Romblon, naghahanap na rin sila ng mga administrative officers katulad ng Campus Director, Faculty members at Administrative staff.

Ang mga gusto mag-apply ay maaring bisitahin ang website ng PSHS-MRC sa http://pshs.edu.ph/career/277-job-opportunities-in-mimaropa-region-campus.

Ayon sa post, ang deadline ng submission ng application para sa Campus Director ay sa February 15, 2016 at March 31, 2016 naman para sa mga mag-apply sa posisyon ng Faculty members at Administrative staff.