Hindi na magtitiis sa pangit na gusali ang mga estudyante ng Progreso Este Elementary School sa bayan ng Odiongan, Romblon dahil simula ngayong araw ay magagamit na nila ang silid-aralan na ipinatayo ng Philam Life Foundation at LBC Foundation para sa kanilang lugar.
Ang nasabing one-storey 2-classroom building ay pormal ng naiturn-over ngayong araw sa Progreso Este Elementary School ng dalawang foundation.
Sa naganap na turn-over ceremony ngayong araw, pinasalamatan ni Principal Reynante Lorenzo ang Philam Life Foundation, LBC Foundation, at ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pagkakaisa para maipatayo ang nasabing silid-aralan.
Ang Progreso Este Elementary School sa ngayon ay 215 na mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6.
Dumalo rin sa nasabing turn-over ceremony sina Public Schools District Supervisor Dario Manato at si Odiongan SB member Alexander Formento.



