Motorsiklo sa Odiongan, nasunog

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 25 January 2016

Natupok ang isang motorsiklo matapos itong umapoy habang sinusubukang paandarin ng driver nito sa Odiongan Public Market mag-aalas 8 ng umaga kanina.

Ayon sa ilang saksi, nagkaripas umano sa pagtakbo ang driver nito matapos na biglang umapoy ang motor upang maghanap umano ng fire extenguisher ngunit wala umano siyang nakita.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News, nag-over flow umano ang gasulina ng motorsiklo at pinilit parin ng driver na e-start ito kaya nag spark at bigla nalang umapoy.

Nagsanhi naman ng traffic sa lugar ang nasabing aksidente.

Wala namang nasaktan.