New Odiongan police station, inaugurated

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Pinasinayaan nitong Huwebes, October 10, ang bagong tayong gusali ng Odiongan Municipal Police Station sa Barangay Dapawan.

Pinangunahan ang pagpapasinaya nina PBGen. Tomas Apolinario, Regional Director ng Police Regional Office - MIMAROPA, at ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic.

Sa mensahe ni Regional Director Apolinario, pinasalamatan nito at binati ang Odiongan Municipal Police Station sa pagkakompleto ng bagong gusali.

Pinasalamatan rin nito ang lokal na pamahalaan ng Odiongan dahil malaki ang naitutulong ng munisipyo sa mga tauhan ng Odiongan Municipal Polie Station lalo na sa pagpapanatili ng katahimikan sa bayan.

Dumalo rin sa pagpapasinaya sina PLTCol. Christopher Abecia, hepe ng RLRDD; PMaj. Christian Luci mula sa Regional Engineering Unit, PCol. Arvin Molina, Provincial Director ng Romblon PPO, Judge Edwin Buffet ng RTC Branch 82, mga tauhan mula sa Romblon Mobile Force Company, National Support Unit, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, mga miyembro ng Municipal Advisory Council, mga konsehal, mga barangay officials, at iba pang stakeholders.

Ang bagong police station ay matatagpuan sa tabi ng Odiongan Public Market sa Barangay Dapawan.