
Hindi madaanan ng mga sasakyan sa ngayon ang barangay road sa Barangay Batiano sa Odiongan, Romblon papasok na Sitio Sampaguita dahil sa nakaharang na nabunot na puno ng balete.
Nabunot ito bandang 5:00 ng hapon ngayong araw, June 28.
Ayon sa mga residente malapit sa lugar, bigla nalang silang nakarining ng malakas na tila ma bumagsak na bagay, at pagtingin nila sa labas ay ang nabunot palang puno.
Maswerte namang walang naglalakad na estudyante malapit sa lugar nang oras na mangyari ang aksidente.
Inaasahang bukas pa matatanggal ang pagkakaharang nito ng mga taga-Barangay.

