
Pormal ng uupo simula sa tanghali ng Linggo, June 30, ang pitong babaeng alkalde na pinalad sa nagdaang May 2019 National and Local Elections sa lalawigan ng Romblon.
Sa Tablas Island, dominado ng mga babaeng alkalde ang 9 na bayan rito kasama ang bayan ng Odiongan sa ilalim ng liderato ni incumbent Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Ang ilan pang kasama ni Fabic na babaeng alkalde na nanalo nitong nagdaang election sa Tablas ay sina incumbent Calatrava Mayor Marieta Babera, incumbent Sta. Fe Mayor Elsie Visca, Alcantara Mayor Riza Pamorada, Sta. Maria Mayor Bic Bic Fabon, at si Atty. Lisette Arboleda, alkale ng bayan ng Looc.
Uupo rin sa bayan ng Banton sa pagka-alkalde si Milagros Faderanga.
Sa pagkapanalo ng mga babaeng alkalde, inaasahang malaking bagay ito sa pagbibigay ng pantay na karapatan ng mga babae sa lalaki sa kanilang mga nasasakupang bayan.



