by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 09 July 2015

Maaga palang nakaranas na ng pag-uulan ang bayan ng Odiongan sa Tablas Island dahil sa hanging habagat na pinapalakas pa ng bagyong #FalconPH.
Ilang mga estudyante ng Romblon State University Main Campus ang nahirapan pumasok ngayong umaga dahil sa malakas na ulan.
Ayon naman sa weather forecast ng Weather Company, makakaranas ng pag-uulan ang bayan ng Odiongan mula umaga hanggang gabi. Habang uulanin naman sa hapon ang Romblon, Magdiwang sa Sibuyan Island, at Corcuera.
Patuloy naman na nakataas ang Gail Warning sa kragatan ng Romblon. Pinag-iingat ng PAGASA ang mga maliliit na bangka dahil sa mataas na alon sa karagatan.
Nagpaalala naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga residente ng Romblon na nasa landslide at flood prone area sa mga maaring mangyaring insidente dahil sa pag-uulan sa Probinsya.



