Mga pasaherong pabalik ng Manila pagkatapos ng Semana Santa, dagsa sa pantalan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Matapos ang holy week vacation sa Romblon, dagsa na sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon ang mga pasaherong pabalik ng mainland Luzon ngayong Easter Sunday.

Parang pila sa isang blockbuster na pelikula ang pila sa ticketing office ng Montenegro Shipping Lines dahil sa sobrang haba ng pila rito.

Ang ilan sa mga pasaherong nakapila, madaling araw palang umano ay nasa pila na ngunit mukhang hindi parin sila makakasakay dahil nagkakaubusan na ng ticket.

Samantala, inanunsyo ng 2Go Travel na soldout na ang kanilang ticket patungong Batangas galing Odiongan mula April 21 hanggang 23.

Patuloy naman ang pagbibigay ng siguridad ng mga opisyal ng Barangay Batiano, at Philippine Ports Authority sa pantalan.