3 hurt in motorcycle accident in Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy Marwin SarandinPhoto Courtesy Marwin Sarandin

Sugatan ang tatlong lalaki matapos na masangkot sa aksidente sa Barangay Anahao sa Odiongan, Romblon mga sinasakyang motorsiklo nitong hating gabi ng Linggo, December 16.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, bandang 12:10 AM ng mangyari ang aksidente sa bahagi ng tablas island circumferential road sa bahagi ng Barangay Anahao na kinasangkutan ng dalawang sasakyan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasagian sa gitna ng kalsada ang rider na si Butch Datoy, 46; at ang rider na si Jay Anthony Guro, 23.

Agad isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang dalawa kasama ang angkas ni Datoy na si Brent Leonard Datoy, 15, matapos tumawag ng ambulansya ang mga motoristang napadaan sa pinangyarihan ng aksidente.

Wala umanong suot na helmet ang dalawang rider at posibleng nakainum rin ang isa sa mga ito.

Posibleng nakaapekto rin sa aksidente ang madilim at madulas na daan dahil katatapos lang bumuhos ang ulan rito bago mangyari ang aksidente.