Tindahan sa Odiongan, tinangayan ng pera ng Holdaper

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Google StreetviewPhoto Courtesy: Google Streetview

Aabot sa P17,000 ang natangay ng isang kawatan matapos holdapin ang isang tindahan ng mga motorsiklo at electronics sa bayan ng Odiongan bandang alas-7 nitong gabi ng Huwebes.

Ayon kay Police Chief Inspector Brian Fallurin, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, mag-alas 7 ng gabi ng di umanoy tutukan ng baril ng isang holdaper ang may-ari ng KW Trading sa Odiongan, Romblon at sapilitang kinuha ang perang kinita ng tindahan buong araw.

"Pasara na itong tindahan ng pasukin at tutukan ng holdaper ng baril ang may-ari," pahayag ni PCI Fallurin.

Nakatakip umano ng panyo ang suspek at may dalang baril kaya hindi namukhaan ng mga witness ang hitsura ng lalaking suspek.

"Agad lang siya naglakad palayo matapos ang krimen, wala siyang motor," pahayag pa ni PCI Fallurin ng makausap ng Romblon News Network.

Patuloy naman umano ang follow-up operation ng mga tropa ng Odiongan Municipal Police Station para matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek.