Businessman Robert Maulion, sumali na sa mga lalaban sa pagka-alkalde sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Opisyal na ring naghain ng kandidatura ang pambato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pagka-alkalde sa bayan ng Odiongan ang businessman na si Robert Maulion.

Tumungo ngayong hapon sa opisina ng Commision on Election sa Odiongan ang grupo ni Maulion upang maghain ng kanilang COC.

Kasabay na naghain ni Maulion ay ang mga kasamahang tatakbong Sanguniang Bayan Member na sina Edmund Famatiga, Vanz Rusel Fontamillas, Ricmel Falqueza at dating sanguniang bayan member na si Lily Fran.