
Inaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez, ang isang 45-anyos na lalaki matapos itong ireklamo ng pamilya ng 5-taong gulang na batang pinagsamantalahan niya umano nitong hapon ng Biyernes, June 15.
Nangyari umano ang panghahalay sa isang Barangay sa Odiongan, Romblon.
Kwento ng biktima sa kanyang mga magulang at pulisya, bandang alas-3 ng hapon habang naglalaro ang biktima sa labas ng kanilang bahay ay biglang niyaya umano siya ng suspek na si Rolan Fetalver Venus, 45, na tumungo sa bahay ng suspek.
Habang nasa bahay umano sila ay biglang hinila umano ng suspek ang pangbabang suot ng biktima at pinaupo ito sa kawayang upuan.
Ayon sa spot report, hinawakan at pinagsamantalahan umano ng suspek ang bata hanggang sa sumigaw ang biktimang “Aray masakit! tama na Tito Rolan”. Natigil lang umano ang panghahalay ng sumigaw ulit ang biktima ng "Mama!" at nag makaawa na umuwi na hanggang sa paalisin siya ng suspek.
Agad namang nakapag sumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na siyang humingi naman ng tulong sa Barangay at sa Odiongan Municipal Police Station para maaresto ng suspek.
Itinanggi naman ng suspek ang krimen ng makausap ng Romblon News Network.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at maaring maharap sa kaukulang kaso.



