Firmalo at Reyes, nag-file na ng kanilang COC sa COMELEC

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 13 October 2015

Opisyal nang nag-file ngayong hapon ng kanilang certificate of candidacy ang pambato ng LP-NP Coaltion o ang BuLongTik Coalition sa pagka-Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Odiongan na sina Trina Firmalo at Mark Anthony Reyes.

Mula sa Headquarters ng BuLongTik Coalition sa Barangay Liwanag ay naglakad ang grupo patungong opisina ng COMELEC Odiongan.

Full force ang mga opisyales ng Liberal Party at Nationalist Party katulad nila Congressman Eleandro Madrona, Governor Firmlo at ilan pang mga Sanguniang Panlalawigan Members sa pagsuporta sa tambalang Firmalo at Reyes.

Kasama na nag-file ng dalawa ang kanilang mga line-up sa pagka Sanguniang Bayan na sina Daryle Galindez, Rolando Forca, Joy Martirez, Diven Dimaala, Rollie Lachica, Virgie Maulion, Marvin Al Firmalo, at Michael Arevalo.

Ang dalawa ang kauna-unahang kandidato na nagfile sa ilalim ng LP-NP Coalition sa lalawigan ng Romblon.

Inasahan naman na bukas, October 14, ay magpa-file na ng kanilang mga COC ang pambato ng grupo sa pagka-congressman na si Emmanuel Madrona, kasalukuyang Mayor ng bayan ng San Agustin at kapatid ni incumbent Congressman Eleandro Madron; incumbent Governor Eduardo Firmalo; at incumbent Vice Governor Otik Riano.  

Sa araw naman ng huwebes inaasahan magpa-file nang kanilang COC ang tatakbong Independent Congressman na si Jose Madrid at Biyernes naman ang incumbent Mayor ng Calatrava, Romblon na tatakbo rin sa pagka congressman na si Robert Fabella.