Bundok sa Progreso Weste sa Odiongan, nasunog

Written by Arnold Fetalvero | Romblon News

Nasunog ang mahigit 1 ektarya lupain sa isang bahagi ng bundok sa Barangay Progreso Weste sa bayan ng Odiongan pasado alas-5 ng hapon nitong Huwebes, March 15.

Tanaw mula sa compound ng BJMP-Odiongan District Jail ang pagkalat ng apoy.

Hindi pa tukoy ng mga residente sa lugar kung ano ang maaring pinagmulan ng nasibing sunog.

Pasado alas-8 ng gabi ng tuluyang mamatay ang nasabing sunog.